Vantage (V): Gaano na po kayo katagal nagtatrabaho dito?
Emelie Escalera (EE): 16 years. Ang Skew Matrix, 11 years. Kasi ano kami, dati [kaming] Copylandia, tapos na-absorb kami ng Skew Matrix.
V: Paano po kayo nakarating sa Ateneo?
EE: Kasi nag-start ako, nag-apply ako. 1994 pa ako nag-start mag-xerox. [Nag-training] ako sa Abada sa Katipunan, tapos training [ay] one week. Nag-start ako dito sa Bellarmine. Tapos one month, nilipat na ako sa Miriam. Tapos ng Miriam, one year, nilipat na ako sa UP. Ikot-ikot ako sa UP, balik ulit ako sa Ateneo.
Kaya ako nagtatrabaho… dahil sa pamilya. May isa akong anak, 16 years [old]. Dapat college na siya kaso hindi ko pa siya [mapaaral uli]… kulang sa [pera]. Siyempre, para sa anak ko, para mayroong allowance every day, pambayad sa gastusin sa bahay.
V: Mayroon ka po bang karanasan dito sa Ateneo na hindi mo talaga makalilimutan?
EE: Marami akong magandang karanasan dito. Kasi marami [akong] naging friends dito eh, so marami. Basta Christmas, sinasali kami ng mga estudyante, binibigyan kami ng Christmas party para sa mga non-teaching staff ng Ateneo. Tsaka ‘yung MEA… MEA Bingo. Para sa mga staff din ‘yun. ‘Yun ang mga binibigyan kami ng mga nagtatrabaho sa Ateneo.
Masaya ako rito kasi marami akong nakikilalang estudyante, marami akong nagiging kaibigan—mga teacher, maintenance–halos lahat kakilala ko. Marami akong naging kaibigan.
Kasi sa UP, parang wala akong nagiging kaibigan. Lahat kasi, [iikutin] mo eh. Every [so often], iikutin mo ang mga building. Rotation. Inililipat ka, kaya hindi ka tumatagal. Hindi mo masyado ina-ano ‘yung mga estudyante. Hindi katulad dito, marami ka nang masasalamuhang mga estudyante. Iba-iba. Mayroong minsan, ‘pag foreigner, may sabay na istorya, ayun.
V: So masasabi mo na masaya ang trabaho mo dito?
EE: Masaya. Tatagal ba naman tayo dito kung hindi masaya? Talagang mababait ang mga estudyante.
Gusto ko lang sana, mag-stay pa ako dito. Kasi, hindi din namin masasabi kung hanggang kailan kami rito.
Heto na talaga ang hindi na napapalitan.